miércoles, 28 de enero de 2015

Papal Visit 2015: Reflections from Bukid Kabataan

“DO NOT LOSE YOUR CAPACITY TO DREAM AS YOU WILL ALSO LOSE YOUR CAPACITY
TO LOVE.” Ito ang nakaantig sa akin na sinabi ni Pope Francis. Minsan sa aking buhay ay nanghihina na rin akong mangarap na mabubuo pa ang pamilya ko. Pero narealize ko na kung patuloy akong mangangarap para sa pamilya,may kasiguraduhan na may maganda kaming kinabukasan. –Abegail-

Nung nakita ko si Pope Francis ay para ko na ring nakita ang Diyos. Siya ang naging inspirasyon ko. Natutunan ko na huwag mawalan ng pag-asa at huwag sumuko sa problema. Huwag kakalimutang mangarap na magkaroon ng isang pamilyang masaya. –Mark-

Sobrang daming nagmamahal sa Santo Papa at ipinahiwatig sa akin ng Diyos ang kahalagahan ng pagprotekta sa pamilya. Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa dahil laging nandiyan ang Diyos. –Marie-

Naranasan ko ang grabeng pagmamahal at presensya ng Diyos sa pamamagitan ni Pope Francis. Naantig ako sa kanyang kindness, mercy and compassion sa mga may kapansanan. Mas naramdaman ko yung magkaroon ng tunay na ama dahil sa kanya. Ipinahiwatig sa akin ng Diyos na magbago na ako sa aking pananaw at maging positibo at mapalalim ang pananampalataya sa Diyos. –Chaby-

Masaya at nakaka excite makita si Pope Francis. Ang pagdating niyaay humahamon sa akin na magpatuloy pa sa buhay nang may tapang at positibong pananaw. -Marie Rose-

Habang nagsasalita si Pope, naisip ko ang aking pamilya, na sana ay buo pa kami at parang sinasabi sa akin ng Diyos na pwede pang magsimula muli. Huwag nating hahayaang laging sinasaktan ng iba…bumangon tayo muli. –MJ-

Sobrang pananabik na makita si Pope Francis. Lalo kong naramdaman ang presensya ng Diyos. Sabi ni Pope, dapat kung pagod na tayo, “rest with the Lord.” Ibinulong sa akin ng Diyos na dapat mas maging matatag at malakas ang loob sa lahat ng hamon ng buhay . Sabi ng Diyos sa akin, “huwag kang matakot, kasama mo ako.”-Joaquin-

Natutunan ko kay Pope Francis na huwag balewalain ang may kapansanan at mga taong hindi nararamdaman ang Diyos. –Ony-

Pinalakas ni Pope Francis ang aking loob na tanggapin na wala na ang aking mga magulang at maging maayos na ako sa aking sarili dahil ang mga bata ay tunay na regalo ng Diyos. –Angelo-




No hay comentarios:

Publicar un comentario